Google Scholar

Suporta para sa Mga Mala-iskolar na Publisher

Mapapagbuti ng Google at Google Scholar ang pandaigdigang kakayahang makita at ma-access ng iyong nilalaman. Nakikipagtulungan kami sa mga publisher ng mala-iskolar na impormasyon upang ma-indeks ang mga papel na ni-review ng mga kasamahan, theses, preprint, buod, at panteknikal na ulat mula sa lahat ng mga larangan ng pagsasaliksik at gawing nasasaliksik ang mga ito sa Google at Google Scholar. Ang pahinang ito ay nagdudulot ng impormasyon ukol sa patakaran at impormasyong panteknikal para sa mga mala-iskolar na publisher at lipunan.

Mga Patakaran ng Publisher

Maramihang mga bersyon ng isang akda ay pinangkat upang mapagbuti ang ranggo nito. Maaaring lumitaw bilang mga naunang nalimbag at pangkumperensyang papel ang maraming mga bersyon ng pagsasaliksik sa mga lugar ng isang akda bago mai-publish bilang isang artikulofng pang-journal. Ang paunang bersyong ito ng isang akda ay kadalasang binabanggit bilang karagdagan sa makapangyarihang bersyon ng journal. Ang bilang ng mga citation sa isang partikular na akda ay isang mahalagang bahagi ng pagtukoy ng ranggo nito sa mga resulta ng paghahanap sa Google Scholar. Pinapayagan ng pagpapangkat ng mga bersyon na makolekta ang lahat ng mga bersyon ng isang akda. Gaya ng nakasanayan, makabuluhan nitong mapapagbuti ang posisyon ng isang artikulo sa mga resulta ng paghahanap.

Buong teksto ng publisher, kung na-indeks, ay ang pangunahing bersyon. Kapag na-indeks ang mga maramihang bersyon ng isang akda, pipiliin namin ang buo at makapangyarihang teksto mula sa publisher bilang pangunahing bersyon. Magagawa lamang natin ito kung matagumpay nating makikilala, mako-crawl at mapoproseso ang buong teksto ng bersyon ng publisher.

May control ang mga publisher sa pag-access sa kanilang mga artikulo. Nakikipagtulungan kami sa mga publisher na mapanatili ang kanilang control sa pag-access sa kanilang nilalaman at i-cache lamang ang mga artikulo at papel na hindi kontrolado ng pag-access. Makakatulong sa amin ang mga publisher sa pamamagitan ng pagkilala kung aling mga rehiyon ng kanilang mga site ang may kontroladong pag-access. Para sa mga detalye, mangyaring mag-click dito.

Dapat na alukan ang mga gumagamit ng Google ng hindi bababa sa isang kumpletong buod. Ito ay isang mahalagang bahagi ng aming programa sa pag-i-indeks. Para sa mga papel na may mga paghihigpit sa pag-access, ang isang buod na isinulat nang buo ng may-akda ay makakatulong sa mga gumagamit na pumili sa mga resulta kung aling papel ang pinakaposibleng magkaroon ng impormasyong hinahanap nila.

Tutugon kami sa mga reklamo patungkol sa paglabag sa copyright. Patakaran naming  tumugon sa lahat ng mga abiso sa mga hinihinalang pandaraya sa copyright na sumusunod sa  Batas sa Digital Millennium Copyright. Para sa mga direksyon at karagdagang  impormasyon, mangyaring mag-click dito.

Mga Madalas Tanungin

Pangkaraniwang Mga Katanungan

  1. Ako ay isang publisher ng mga mala-iskolarakdang mala-iskolar at nais ko na maisama ang aking mga nilalaman sa Google at Google Scholar?
  2. Nag-publish ako ng mga mala-scolar na textbook at monograph. Maaari bang isama ang aking nilalaman sa Google Scholar?
  3. Maaari ko bang makita ang gamit ng istatistika para sa aking nilalaman?
  4. Ano ang gagawin ko kung sa tingin ko ay nagli-link ka sa isang webpage na lumalabag sa aking copyright?

Mga Katanungang Panteknikal

  1. Ang aking mga akda ay nasa format na PDF. Maaari mo pa rin bang ma-indeks ang aking site?
  2. Paano ko masasabi kung ang isang file ng PDF ay may nahahanap na teksto?
  3. Ang ilan sa aking mga artikulo ay hinati sa maramihang mga file, isang file sa bawat seksyon. Maaari ka bang makatrabaho sa mga ito?
  4. Maaaring maging malaki ang mga artikulo sa format ng PDF, at madali para sa akin na makuha ang teksto mula sa bawat artikulo. Maaari ka bang makagawa gamit ang mga pagkakasunud-sunod lamang ng mga salita para sa bawat dokumento?
  5. Nakakita ako ng isang link na ‘cached’ (o ‘View bilang HTML’) para sa aking mga artikulong kontrolado ng pag-access. Kailangang maayos ko ito kaagad!
  6. May magagawa ba ako upang matulungang magranggo nang mas mahusay ang aking mga artikulo?
  7. Magagamit ang lahat ng aking mga artikulo sa iyong mga crawler, ngunit hindi ang lahat sa kanila ay tila magpapakita sa Google Scholar. May magagawa ba ako upang makatulong na mapagbuti ang nasasakupan?

Pangkaraniwang Mga Katanungan

  1. Ako ay isang publisher ng mga mala-iskolarakdang mala-iskolar at nais na maisama ang aking mga nilalaman sa Google at Google Scholar?

    Higit na kinalulugdan ang iyong nilalaman. Kapag online na ang iyong mga akda, maaaring mangailangan tayo nang hindi hihigit sa iyong pahintulot sa pagbisita ng iyong site ng aming mga crawler. Tulad ng nabanggit sa itaas, ang isang buod (hangga't maaari) ng bawat akda ay dapat na magagamit sa mga hindi subscriber na nagmumula sa Google at Google Scholar. Mangyaring makipag-ugnay sa amin upang matalakay ang mga detalye.
     
  2. Nag-publish ako ng mga mala-scolar na textbook at monograph. Maaari bang isama ang aking nilalaman sa Google Scholar?

    Sa ngayon, nag-iindeks lamang ang Google Scholar ng mga mala-iskolar na artikulo. Para sa mga textbook at monograph, inirerekumenda namin ang Google Book Search.
     
  3. Maaari ko bang makita ang gamit ng istatistika para sa aking nilalaman?

    Dahil nagki-click ang mga gumagamit sa iyong website, dapat magkaroon ng lahat ng istatistika ng paggamit ang iyong mga talaan ng web server.
     
  4. Ano ang gagawin ko kung sa tingin ko ay nagli-link ka ng isang webpage na nandaraya sa aking copyright?

    Patakaran naming tumugon sa mga abiso ng di-umano’y pandaraya aylinsunod sa Batas ng Digital Millennium Copyright. Para sa mga direksyon at karagdagang impormasyon, mangyaring mag-click dito.

Mga Katanungang Panteknikal

  1. Ang aking mga artikulo ay nasa format na PDF. Maaari mo pa rin bang ma-indeks ang aking site?

    Oo. Maaari naming ma-indeks ang mga artikulo ng PDF hangga’t nahahanap ang mga ito. Maaari rin naming ma-indeks ang HTML, PostScript, siniksik na PostScript (ps.gz), at siniksik na PDF (pdf.gz).
     
  2. Paano ko masasabi kung ang isang file ng PDF ay may nahahanap na teksto?

    Buksan ang file sa Adobe Acrobat Reader. I-click ang ‘Hanapin’ (hanapin ang icon ng binocular), at kumpirmahin na maaari mong mahanap at matagpuan ang maraming mga salita sa pahina.
     
  3. Ang ilan sa aking mga artikulo ay hinati sa maramihang mga file, isang file sa bawat seksyon. Maaari ka bang makatrabaho sa mga ito?

    Sayang, hindi natin kakayanin. Makakapag-indeks lamang tayo ng isang file sa bawat artikulo sa ngayon.
     
  4. Maaaring maging malaki ang mga artikulo sa format ng PDF, at madali para sa akin na makuha ang teksto mula sa bawat artikulo. Maaari ka bang makagawa sa mga pagkakasunud-sunod lamang ng mga salita para sa bawat dokumento?

    Masidhi naming inirerekumenda na panatilihin ang impormasyon ng buong layout ng PDF. Umaasa kami sa isang layout ng dokumento na makakuha ng metadata, mga citation at iba pang impormasyon na gumaganap ng isang makabuluhang papel sa pagkakaugnay ng pagraranggo. Kung mga isyu ang sukat ng dokumento o bandwidth ng crawl, maaari kaming makipagtulungan sa iyo upang matukoy ang isang naaakmang paraan upang maka-crawl sa iyong site. Mangyaring makipag-ugnay sa amin .
     
  5. Nakakita ako ng isang link na ‘cached’ (o ‘View bilang HTML’) para sa aking mga artikulong kontrolado ng pag-access. Kailangang maayos ko ito kaagad!

    Syempre! Mangyaring mag-email sa amin ng mga tukoy na halimbawa kung saan lilitaw ang mga link; magsisiyasat kami at mag-aayos sa lalong madaling panahon. Hindi ito sinasadya ngunit maaaring mangyari dahil sa mga isyung panteknikal. Halimbawa, maaaring hindi sinasadyang makatuklas ang aming masinsinang mga crawler ng isang nalimutang kahaliling interface sa iyong nilalaman. Kailangang sabihin mo sa amin ang lahat ng naturang mga interface, sapagkat maaaring makarating sa mga lugar ang mga crawler na hindi mo inaasahan. Mangyaring mag-email sa amin at sisiyasatin namin ito.

    Kung sa tingin mo ay nilalabag ng isa pang site ang iyong copyright, mangyaring tingnan ang aming tagubilin sa proseso ng DMCA .
     
  6. May magagawa ba ako para makatulong na mairanggo nang mahusay ang aking mga artikulo?

    Makakaya mo nga. Awtomatikong kumukuha ng metadata ang aming pag-iindeks ng mga algorithm, mga citation at iba pang impormasyong mula sa mga artikulo at gamitin ang mga ito para sa mga hangarin sa pagraranggo. Ang pagbibigay ng makapangyarihang metadata tungkol sa iyong mga artikulo ay maaaring makatulong sa pagpapadali nito at maaaring madagdagan ang posibilidad ng pagkilala ng lahat ng mga citation sa iyong mga artikulo. Masidhi naming inirerekumenda ang diskarteng ito. Mangyaring makipag-ugnay sa amin kung nais mong makipagtulungan sa amin dito.
     
  7. Magagamit ang lahat ng aking mga artikulo sa iyong mga crawler, ngunit hindi ang lahat sa kanila ay tila magpapakita sa Google Scholar. May magagawa ba ako upang makatulong sa pagpapabuti ng saklaw?

    Batay sa aming karanasan, narito ang ilang mga mungkahi:
    • Siguraduhing ang lahat ng iyong mga artikulo ay maaaring maabot mula sa iyong home page sa pamamagitan ng pagsunod sa mga simpleng link na HTML. Makakatulong ang pagbuo ng isang interface ng browse para sa iyong site, at makakatulong din sa mga gumagamit na matuklasan ang buong kayamanan ng iyong site.
    • Iwasan ang paggamit ng mga ID ng session, cookies at iba pang mga parameter sa pagsubaybay para sa aming crawler. Nagbibigay ito ng kapaki-pakinabang na impormasyon para sa mga gumagamit ngunit pumipigil sa pagpapatakbo ng crawler, dahil nauugnay ang mga maramihang URL sa bawat dokumento.
    • Bigyan kami ng isang listahan ng mga URL para sa lahat ng iyong mga mala-iskolar na artikulo, kasama ang metadata sa antas na pang-artikulo para sa bawat isa. Pinapadali nito ang parehong pag-crawl at pag-indeks.
     

  8. Para sa karagdagang mga detalye sa anuman sa mga puntong ito, mangyaring huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa amin.