Google Scholar

 Advanced na Mga Payo sa Paghahanap sa Scholar

Maaari kang magdagdag ng katumpakan at pagkaepektibo ng iyong mga paghahanap sa Google Scholar sa pamamagitan ng pagdaragdag ng "mga operator" na pumipino sa iyong mga kataga sa paghahanap. Sa ilang mga pangyayari, maaari kang makapagdagdag ng mga operator sa kahon ng paghahanap sa Google Scholar; sa ibang panahon, nanaisin mong gamitin ang mga ito sa pahina ng Advanced Scholar Search.

Nario ang mga pinakakaraniwang mga operator ng Google Scholar:

Author Search - Publication Restrict - Date Restrict - Iba pang Mga Operator

Author search

Ang author search ay isa sa mga pinakaepektibong paraan upang makahanap ng isa mismong papel. Kung alam mo kung sino ang sumulat ng papel na hinahanap mo, idagdag mo lamang ang kanilang apelyido sa iyong mga kataga sa paghahanap.

Halimbawa:
Ibabalik ang mga papel [friedman regression] nang paghahanap sa paksang regression na isinulat ng mga taong pinangalanang Friedman. Kung nais mong maghanap sa isang buong pangalan ng may-akda, o apelyido at inisyal, ipasok ang pangalan sa mga panipi: ["jh friedman"].

Kapag ang isang salita ay kapwa isang pangalan ng tao at isang pangngalang pambalana, maaaring naisin mong gamitin ang operator na “may-akda:”. Maaapektuhan lamang ng operator na ito ang kataga sa paghahanap na kasunod nito agad, at dapat ay walang puwang sa pagitan ng “may-akda:” at ng iyong kataga sa paghahanap.

Halimbawa:
[author:flowers] ibinabalik ang mga papel na isinulat ng mga taong may pangalang Flowers, kung saan [flowers -author:flowers] nagbabalik ng mga papel tungkol sa flowers, at ipinagwawalang-bahala ang mga papel na isinulat ng mga taong may pangalang Flowers (isang kabawasan sa harap ng isang kataga ng paghahanap na nagbubukod ng mga resulta na naglalaman ng nitong kataga sa paghahanap).

Maaari mong gamitin ang operator sa isang buong pangalan ng may-akda sa mga panipi upang malawig na mapino ang iyong paghahanap. Subukang gamitin ang mga inisyal kaysa sa mga buong pangalan, sapagkat ang ilan sa mga pinagkukunan na naka-indeks sa Google Scholar ay nagbibigay lamang ng mga inisyal.

Halimbawa:
Upang mahanap ang mga papel ni Donald E. Knuth, maaari mong subukan ang [author:"d knuth"], [author:"de knuth"], o [author:"donald e knuth"].

Publication restrict

(Magagamit lamang ang mapagpipiliang ito sa pahina ng Advanced Scholar Search.)

Nagbabalik lamang ng mga resulta ang paghahanap na limitado sa publication sa tukoy na mga salita mula sa isang tukoy na publication.

Halimbawa:
Kung nais mong hanapin ang Journal ng Pananalapi para sa mga artikulo tungkol sa mga mutual fund, maaari kang magsimula nang tulad nito:

   

Isaisip, gayunpaman, na ang mga paghahanap na limitado sa publication ay maaaring maging hindi kumpleto. Tinitipon ng Google Scholar ang data ng libro mula sa maraming mga pinagkukunan, kasama ang awtomatikong pagkuha nito mula sa teksto at mga citation. Maaaring ang impormasyong ito ay hindi kumpleto o hindi tama; maraming mga paunang pagpi-print, halimbawa, huwag sabihin kung saan (o kahit na alinman) ang artikulo ay ganap na nai-publish.

Sa pangkalahatan, ang mga paghahanap na limitado sa publication ay epektibo kung nakatitiyak ka sa iyong hinahanap, ngunit ang mga ito‘y kadalasang mas makitid kaysa sa maaari mong asahan.

Halimbawa:
Maaaring mong malaman na ang isang paghahanap sa lahat ng mga publication para sa [mutual funds] ay nagbibigay ng mas kapaki-pakinabang na mga resulta kaysa sa isa mismong paghahanap para sa "mga pondo" sa Journal ng Pananalapilamang.

Sa huli, isaisip na ang isang journal ay maaaring mabaybay sa maraming mga paraan (hal., Journal of Biological Chemistry ay kadalasang dinadaglat bilang J Biol Chem), kaya’t maaari mong subukan ang maraming mga pagbabaybay ng isang ibinigay na publication upang makakuha ng kumpletong mga resulta sa paghahanap.

Date restrict

(Magagamit lamang ang mapagpipiliang ito sa pahina ng Advanced Scholar Search.)

Ang mga paghahanap na limitado lang sa petsa ay maaaring maging epektibo kapagbaghahanap ka ng pinakabagong pag-unlad sa isang ibinigay na lugar.

Halimbawa:
Narito kung paano ka maghahanap para sa mga artikulo sa superconducting films na nai-publish mula pa noong 2004:

   -   

Isaisip, gayunpaman, na ang ilang mga pinagkukunan ng web ay hindi nagsama ng mga petsa ng publication, at isang paghahanap na limitado ng petsa ay hindi magbabalik ng mga artikulo kung saan ang Google Scholar ay hindi nakatukoy sa isang petsa ng publication. Kaya’t kung nakakasiguro kang lumabas nitong taong ito ang isang artikulo tungkol sa superconducting films at hindi ito nahanap ng paghahanap na limitado ng petsa, subukang muli ang paghahanap na wala ang paglimita ng petsa.

Iba pang Mga Operator

Sumusuporta rin ang Google Scholar sa karamihan sa mga advanced operator sa paghahanap sa web ng Google:

  • ang "+" operator nagseseguro na nagsasama ang iyong mga resulta ng mga karaniwang salita, titk o numero na ipinagwawalang-bahala ng teknolohiya sa paghahanap sa Google, tulad ng [+de knuth];
  • ang "-" operator ay nagbubukod ng lahat ng mga resulta nagsasama ng kataga sa paghahanap na ito, tulad ng sa [flowers -author:flowers];
  • paghahanap sa parirala ay nagbabalik lamang ng mga resulta na nagsasama ng eksaktong pariralang ito, tulad ng sa ["gaya nang nais mo"];
  • ang "OR" operator ay nagbabalik ng mga resulta na nagsasama ng alinman sa iyong mga kataga sa paghahanap, tulad ng sa [stock call OR put];
  • ang "intitle:" operator tulad ng sa [intitle:mars] ay nagbabalik lamang ng resuta na nagsasama ng kataga sa paghahanap sa pamagat ng dokumento.